Winakasan ng isang 37-anyos na preso ang kanyang buhay sa loob ng kulungan sa pamamagitan ng pag-inom ng asido makaraang magdamdam sa hindi pagbisita ng kaniyang misis na pinaniniwalaang may kinakasama na umanong ibang lalaki sa San Fernando City, La Union kamakalawa. Bumubula pa ang bibig nang madiskubre ng jailwarden dakong alas-10 ng gabi ang biktimang si Robert Bumanlag na may kasong bawal na droga at residente ng Barangay Consolacion III sa bayan ng Agoo, La Union. Base sa impormasyon nakalap ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, labis na dinamdam ng biktima ang hindi pagbisita ng kani yang misis at nakaabot sa kanya ang mga balitang may kinakasamang ibang lalaki. Dahil sa kahihiyang inabot sa kapwa preso ay uminom ng muriatic acid ang biktima sa palikuran ng nabanggit na piitan. Joy Cantos