5 bayan inulan ng yelo

BANAUE, Ifugao – Tat­lumpung minutong sindak ang bumalot noong Miyer­kules sa limang bayan sa Ifugao makaraang umulan ng yelo na pinaniniwalaang magdadala ng peste sa ma­raming pananim ng mga magsasaka.

Ayon kay Vency Bula­yungan ng government-run Phil. Information Agency (PIA), kabilang sa mga ba­yang inulan ng yelo noong Miyerkules ng hapon ay ang Lagawe, Asipulo, Hing­yon, Tinoc at the capital town na Banaue.

Nagpahayag naman ng takot ang mga magsasaka sa pag-ulan ng yelo sa kanilang bayan dahil sa ma­laking epekto nito sa pananim ka­bilang na ang palayan.

Ayon naman sa isang mag­sasaka sa bayan ng Ba­naue na si Ellena Cali­ngayan, posibleng magdala ng kaka­ibang peste sa ka­nilang pala­yan ang hailstorm  kung saan naglala­basan ang uod.

Noong nakalipas na taon, ayon kay Bulayu­ngan, nagre­reklamo ang mga magsa­saka sa Ifugao dahil sa pana­nalasa ng uod sa kanilang pa­layan  mata­pos umulan ng yelo.

Naobserbahan ng mga magsasaka na ang mga uod na lumalabas mula sa ilalim ng lupa sa tuwing kakagat ang dilim saka hahatiin ang ta­nim na palay sa dalawang bahagi.

Napag-alamang mabilis dumami ng uod kaya kaagad na naapektuhan ang ektar­yang palayan noong naka­lipas sa taon.

Ayon sa ulat, ang hailstones ay karaniwang may sukat na 5 hanggang 150 millimeters in diameter at mas malaki kapag tumitindi ang thunderstorms.

Show comments