3 bata natusta sa sunog

Rizal – Tatlong batang magkakapatid ang nasawi nang masunog ang kani­lang bahay matapos iwa­nan ng kanilang mga ma­gulang habang natutulog katabi ang nakasinding kandila kama­kalawa ng gabi sa Barangay Muzon, Taytay, Rizal.

Halos maabo na at mag­kakatabing natagpuan ang bangkay ng magkakapatid na sina John Dexter Tejero; 5, Jhonny, 2; at Ardin, li­mang buwang gulang,  nang ma­tagpuan matapos na mapa­tay ang apoy sa kanilang nasunog na bahay sa Taytay Dumpsite sa Muzon.

Ayon sa ulat ng Taytay Bureau of Fire Protection, na­ganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi nang magulantang na lang ang mga kapitbahay ng mga biktima sa biglang paglaki ng apoy sa kabaha­yan ng mga Tejero dahil sa gawa lang ito sa light materials kaya madali itong sumiklab at huli na ng ma­sak­lo­lohan ang mga bik­tima.

 Ayon sa mga magulang ng bata na nakilalang sina Julie Campa at Ardie Te­jero, pa­wang mga basu­rero, kap­wa sila wala nang maganap ang sunog dahil tumaya sila sa ending at tinapos pa ang laro sa PBA sa telebisyon.

Aminado naman silang iniwan ang kanilang mga anak na natutulog na sa ka­nilang bahay na nakaku­lambo at hindi kalayuan ang nakasinding kandila.

Lumalabas sa imbesti­gas­yon na posibleng na­tum­ba ang nakasinding kandila at dumikit sa ku­lambo na siyang dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy sa kaba­hayan.

Show comments