May 20 katao ang naratay sa pagamutan nang malason sa kinaing shellfish na pinaniniwalaang kontaminado ng red tide toxins sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Batay sa report, kinain umano ng may 20 residente sa Brgy. Bangkerohan ng lungsod sa kanilang hapunan ang isang uri ng shellfish na kung tawagin ay ‘tarab’. Ilang oras matapos iulam ang nasabing shellfish ay nakaranas ang mga biktima ng labis na pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng ulo at tiyan. (Joy Cantos)