11 celfone snatcher tiklo

LUCENA CITY – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang 11-katao na pinaniniwalaang celfone snatcher sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Lucena City, Quezon kama­kalawa.

Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ng pulisya ay sina Allan Partible, Jessie Adolfo, Roel Muyot, Nerissa Arboleda, Genly Olisou, Reliisa Arboleda, Rica Padlan, Judelyn Mercudal, Annafe de Leon at dalawang menor-de-edad.

Ayon kay P/Senior Insp. Fernando Reyes III, chief ng QPSOG, isinagawa nila ang operasyon sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod matapos na makarating sa kanilang kaalaman ang modus operandi ng mga suspek laban sa 8 biktimang dumalo sa pi­yesta sa Lucena City.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos makorner ng pulisya subalit hindi na nabawi sa kanila ang mga celfone. (Tony Sandoval)

Show comments