^

Probinsiya

Lolo namatay sa ere

-

Isang 72-anyos na lolo ang biglang nangisay at na­ matay sa loob ng isang  ero­plano habang nagbibi­yahe patungo sa  Manila Domestic Airport Terminal galing Palawan kahapon ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa Manila Domestic Airport Medical Clinic ang bik­tima na si Loreto Casas, tu­bong Bulacan.

Sa inisyal na report ng mga awtoridad, pasado alas-9 ng umaga habang nasa himpapawid ang Sea Air mula Palawan sakay ang bik­tima at iba pang mga pasa­hero nang bigla na lamang manikip ang dibdib ng ma­tanda.

Agad namang nilapitan ng mga airplane crew ang na­sabing lolo para lapatan ng ka­ukulang first aid subalit hindi na ito humihinga.

Nang dumating sa nasa­bing paliparan ang biktima dakong alas-9:45 ng umaga ay agad itong dinala sa na­turang medical clinic subalit idineklara itong patay.  (Ellen Fernando)

vuukle comment

BULACAN

ELLEN FERNANDO

IDINEKLARANG

LORETO CASAS

MANILA DOMESTIC AIRPORT MEDICAL CLINIC

MANILA DOMESTIC AIRPORT TERMINAL

PALAWAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with