NPA inako ang pagpatay sa 3 barangay off’l

KIDAPAWAN CITY – Inako ng pamunuan ng mga rebeldeng New Peo­ples’ Army ang pagpatay sa tatlong opisyal ng barangay sa North Cotabato, Davao del Sur at Compostela Valley noong nakalipas na Linggo.

Sa press statement na ipinalabas noong May 27 ng Merardo Arce Command ng NPA Southern Minda­nao Regional Operations Command, inamin ng gru­po ang pagpataw ng paru­sang kamatayan kina Kon­sehal Wilson Latimbang ng Barangay Noa, Magpet sa North Cotabato; Chairman Deonito Carmona ng Ba­rangay Coronan, Sta. Cruz sa Davao del Sur; at Chairman Feli­mon Eyana ng Barangay San Vicente, Montevista sa Com­postela Valley.

Ayon kay NPA Minda­nao spokesman Rigoberto Sanchez, napatunayan ng kanilang grupo na ang tatlong opisyal ay mga asset ng militar at miyembro ng Barangay Intelligence Network (BIN) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sina Latimbang at Car­mona ay kapwa miyembro ng BIN ng 38th Infantry Battalion sa bayan ng Ma­kilala, North Cotabato, sa­mantalang si Eyana ay nasa BIN ng 28th IB sa Moncayo, Compostela Valley.

“Ang aktibong pagkilos ng tatlo para maipabagsak ang rebolusyonaryong ki­lusan ang dahilan kung bakit sila pinatay,” ayon kay Sanchez. Malu Manar

Show comments