9 katao lasog sa bangin

Malagim na kamatayan ang sinapit ng siyam-katao kabi­lang ang tatlong bata habang labing-isa pa ang nasugatan makaraang ma­hulog sa bangin ang sinasak­yang mini-bus sa paniba­gong sakunang naganap sa Purok 2, Barangay Ba­culin sa bayan ng Hinatuan, Suri­gao del Sur, ayon sa ulat kaha­pon.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Fausto Quezada y Malinao, 77; Helenita Mon­tilla y Adlawan, 48; Mylene Mon­tilla, 10; Bellaza Ca­sagda y Bayron, 52; Julieta Soriano y Arena, 52; Jua­mar Ronquillo y Quezada, 4; Juan Llamas y An­tigo, 1; at dalawang iba pa na ina­alam pa ang pagkakaki­lanlan.

Naisugod naman sa DO Plaza Memorial Hospital ang labing-isang iba pa kabilang ang drayber at konduktor ng mini-bus sa bayan ng Prosperidad, Agu­san del Sur.

Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pauwi na sana ang mga biktimang lulan ng “Norman Dee”  mini-bus (GTH-139)  mula sa ba­yan ng Barobo nang biglang mawalan ng preno ang sa­sakyan habang bu­ma­bagtas sa matarik na bahagi ng kalsada.

Bunga nito, hindi naka­iwas ang drayber sa putol na hillside kung saan bu­mulu­sok ang sasakyan sa mala­lim na bangin.

Mabilis namang sumak­lolo ang rescue team ng lokal na pamahalaan at naisugod naman sa nasa­bing ospital ang mga bik­tima. Joy Cantos

Show comments