^

Probinsiya

9 pulis sinibak dahil sa rubout

-

Isinailalim na kahapon sa administrative relief ang siyam na pulis kabilang na ang isang colonel kaugnay ng kinuku­ westiyong rubout  matapos mapatay ang tatlo sa apat na isinasangkot sa RCBC massacre noong Mayo 22  sa Tanauan City, Ba­tangas.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome, ipinag-utos na ni PNP chief Director General Avelino Razon Jr. ang pag­sasailalim sa administrative relief ni P/Supt. Gilbert Sauro at 8 pang tauhan ng Provincial Intelligence Branch and Special Operations Group ng Batangas Police Provincial Office (PPO).

Nag-ugat ang administrative relifef ng mga pulis ma­tapos igiit ng Commission on Human Rights na nasawi sa rubout ang tatlo sa apat na isi­nasangkot sa RCBC ma­saker

Kabilang sa mga naging biktima ng rubout noong Mayo 22 sa Barangay 4 sa Tanauan City, Batangas ay sina ex-Brgy. Chairman Vivencio Javier, lider ng Lucido-Javier robbery/hold­up gang; Angelito Malaba­nan at si Rolly Lachica; ha­bang naunang napatay ng pulisya si Pepito Magsino matapos makasagupa sa Barangay Pagaspas.

Samantala, nauna nang nanindigan ang Task Force RCBC na ang mga suspek ay napaslang sa lehitimong shootout taliwas naman sa alegasyon ng kanilang pa­milya na biktima ang mga ito ng rubout.

Ipinag-utos din ni Razon ang pagbuo ng PNP Special Investigation Team (SIT) sa ila­lim ng superbisyon ni Directorate for Investigation and De­tective Management (DIDM) P/Director Jefferson Soriano para imbestigahan kung may nagawang kapal­pakan at lumabag sa pro­seso ang arresting team. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANGELITO MALABA

BARANGAY PAGASPAS

BATANGAS POLICE PROVINCIAL OFFICE

CHAIRMAN VIVENCIO JAVIER

DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

DIRECTOR JEFFERSON SORIANO

GILBERT SAURO

SHY

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with