^

Probinsiya

2 sekyu inabsuwelto sa RCBC masaker

-

Inabsuwelto bilang mga suspek ang dala­wang security guard na nauna nang inimbesti­ga­han ng pulisya kaug­nay sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) masaker na ikinasawi ng sam­pu-katao noong Biyer­nes ng umaga sa Ba­yan ng Cabuyao, Laguna.

Ito ang ulat na na­tang­gap ni Director General Avelino Razon Jr., mula sa Task Force RCBC matapos na lumi­taw na negatibo sa paraffin at lie detector  test sina Joel de la Cruz at Regidor Sapon na na­unang sumuko upang linisin ang kanilang pa­ngalan sa naganap na krimen.

Sinabi ni Razon na ibibilang na lamang tes­tigo ang dalawang sikyu sakaling masakote ang mga suspek.

Aminado naman si Razon na ang RCBC masaker ay isa sa pina­kamatinding krimen sa loob ng 30-taong akti­bong serbisyo niya sa PNP.

Samantala, hindi lang iisang grupo kundi pinagsanib-sanib na grupo ng kriminal na may operasyon sa Laguna, Batangas at Ca­vite ang responsable sa pagpaslang sa 10-ka­tao.

Ito ang kinumpirma kahapon ni “Task Force RCBC” Commander P/Senior Supt. Aaron Fidel subali’t pansamantala munang ‘di-tinukoy ang pangalan ng grupo  ha­bang patuloy pa ang dragnet operations.

Nilinaw din ni Fidel na isang linggo bago ang krimen, gumagana pa ang alarm system ng bangko, subali’t nang kanila suriin matapos ang massacre ay na­tuklasang winasak ito.

Habang ang closed circuit television (CCTV) camera na bagaman winasak ay natuklasang may isang buwan nang may diperensya bago pa man mangyari ang krimen. (Joy  Cantos)

vuukle comment

AARON FIDEL

COMMANDER P

DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

RAZON

SHY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with