^

Probinsiya

Ina nakipag-‘sex’ sa anak na bakla

- Joy Cantos -

Hindi maipaliwanag na matinding poot ang naram­daman ng isang mister nang mahuli niya sa akto ang kaniyang misis habang tinuturuan nito ng sex ang kanilang 18-anyos na anak na bakla sa General Santos City, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report ng  South Cotabato Police, nagkaanak ng tatlo ang mag-asawang itinago sa pangalang Jaime at Glen­da. Nasa Maynila ang da­lawa sa kanilang mga anak  habang ang pangatlo ay naiwan sa kanilang mag-asawa.

Kauuwi lang ni Jaime sa kanilang bahay bandang alas-5:00 ng hapon pero nagulat siya dahil sarado ang kanilang pintuan at tahimik na tahimik.

Gayunman ay nakarinig siya ng mga ungol sa kani­lang silid at nang bigla siyang pumasok ay laking gulat nang mahuli sa akto ang kaniyang misis habang tinuturuan ng sex ang anak na pinatungan ng nasabing ginang.

Sa komprontasyon, iki­natwiran naman ng   38-an­yos na ginang na nak­a­ram­dam siya ng awa sa kan­yang anak dahil kahit ito’y binata na ay wala pa uma­nong karanasan sa sex dahilan sa pagiging bading.

Tinuturuan umano ng ina ang anak sa pamama­gitan ng kanilang pagtatalik ngunit naabutan ang mga ito ng ama.

Nagwala ang nasabing ama at ng malaman ito ng mga kapatid ng kanyang asawa ay ginulpe naman ito ng angkan ng kaniyang misis dahilan nadiskubreng inireport sa pulisya ang insidente at ayaw nilang  malaman ng mga residente sa lugar ang pangyayari.

Nagpang-abot ang mister at kapatid ng kanyang asa­ wa sa presinto ng pulis­ya dahil sa nasabing pam­bu­bug­bog sa biktima. Isi­na­­sa­ilalim pa sa masusing im­bestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment

BATAY

JAIME

NASA MAYNILA

SHY

SOUTH COTABATO POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with