Holdap: Pulis todas

Kamatayan ang naging kapalaran ng  isang pulis na nag-sideline bilang taxi driver makaraang manlaban sa tatlong holda­per sa kahabaan ng Maximo Para­linghug Ave­nue sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City kamakalawa ng gabi. Idi­neklarang patay sa  Mactan Doc­tors Hos­pital ang bikti­mang si SPO4 Geo­la­gon Butron ng Regional Band  ng police regional office. Sa ulat na nakarating sa Camp Cra­me, off duty na ang biktima kaya ipinasada nito ang pag-aaring Kumgang Taxi (GXE-215) ng ka­niyang pamilya. Napag-alamang nagpang­gap na pasahero ang tatlong sus­pek saka nagdeklara ng hol­dap at dahil tumang­ging ibi­gay ang kinita ay manlaban ang biktima. Sa kabila ng su­gatan ay na­gawang buksan ng bik­tima ang pintuan ng taxi at na­gawang magpa­hatid sa nagdaraang taxi sa ospital. Joy Cantos

Show comments