2 karnaper tumba sa shootout
BULACAN – Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na karnaper sa iba’t ibang mall ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Barangay Loma De Gato sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Sup. Lailene Amparo, ang dalawa na sina Jason Torres ng Barangay Pandayan at Jose Galicia ng Barangay Saluysoy na kapwa nasa
Ayon sa ulat, tinangkang parahin ng mga nagpapatrolyang pulis sa checkpoint sa Barangay Prenza ang dalawang magkaangkas sa motorsiklong walang plaka bandang alas-12 ng madaling-araw.
Sa halip na huminto ang riding-in tandem ay pinaharurot ang kanilang motorsiklo at pinaputukan pa ng baril ang ilang pulis kaya’t ay hinabol sila kahit maputik ang kalsada.
Inabutan ng pulisya ang dalawa sa bahagi ng nabanggit na barangay saka nakipagbarilan.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay kabilang sa notoryus na grupo ng karnaper na may modus operandi sa malalaking mall sa nabanggit na lalawigan.
- Latest
- Trending