Nagbenta ng kalabaw, tinodas

Naging mitsa ng kamata­yan  ng isang mister ang wa­lang paalam na pagbebenta nito ng kalabaw ng kaniyang kaibigan matapos na pagba­barilin sa harapan ng kani­yang tahanan sa La Paz, Iloilo kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Nelson Mendoza, residente ng Brgy. Ticud, La Paz. Agad siyang binawian ng buhay matapos na mag­tamo ng mga tama ng bala  sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinutugis naman ngayon ng mga awtoridad ang sus­pek na si James Ledesma, residente ng Divinagracia, sa naturang bayan.

Nabatid na sumugod ang suspek sa bahay ng biktima at kinompronta ito sa pag­be­benta ng kaniyang pinaala­gaang kalabaw nang  wa­lang paalam. Sa gitna ng kom­prontasyon, binunot ng suspect ang kanyang baril at ilang ulit na pinaputukan ang biktima.

Nabatid na bumili ng kala­baw ang suspect at ipinag­katiwala ang pag-aalaga sa kanyang kaibigan subalit ibenenta naman ito ng bik­tima nang hindi siya sinasa­bihan. (Joy Cantos)

Show comments