Bebot ninakawan ng puri at cell phone
Itinago ang biktima sa pangalang Angelica, 24-anyos, walang trabaho, ng Brgy. Anabu 1- C habang tulala naman ang pinsan nitong kinilala sa pangalang Chona.
Natutulog ang magpinsan nang maalimpungatan ang biktima hinggil sa umano’y may naramdaman siyang gumagapang sa kanyang katawan.
Nang dumilat ito ay tumambad sa kanya ang isang lalaki at tangka sana niyang sumigaw subalit agad siyang tinutukan ng patalim sa leeg habang nagising din naman agad si Chona subalit tinutukan rin ito ng suspek kung kaya natulala ito.
Dito na isinagawa ng suspek ang panghahalay sa biktima sa harap mismo ng pinsan nito at ng matapos ito ay sinamsam pa nito ang tatlong cell phone ng mga biktima bago tumakas. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending