Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga armadong pirata ang sinasakyang bangka ng mga biktima sa karagatang sakop ng Tapul Island sa bayan ng Parang, Sulu, kamakalawa.
Kabilang sa napatay ay sina Tamal Aradji, 3 at Ugong Jatulia na kapwa naisugod pa sa Siasi Emergency Hospital subalit binawian din ng buhay. Sugatan naman sina PO2 Adequin Saipuddin ng Marawi City police station; Evangeline Tukko, Linda Komaya, Julhamid Kaidim, Amilinda Kaldim, Nonoy Lukay-Lukay at si Nadz Isnain.
Base sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ng insidente dakong alas-2 ng hapon habang naglalayag ang mga biktimang sakay ng ferry Al Aziz patungong Laminusa Island sa Siasi. (Joy Cantos)