^

Probinsiya

2 sarhento tiklo sa kidnap

-

LIPA CITY, Batangas – Dalawang sarheto ng Philippine Marines ang na­aresto ng mga awtoridad matapos kilalanin ng isang negosyan­teng Tsinoy  na dumukot sa kanya noong Lunes ng ha­pon, ayon sa pulisya.

Kinilala ni P/Supt. Rod­ney Ramirez, Lipa police chief, ang mga suspek na sina Staff Sergeant Tomas Garcia at Staff Sergeant Quirino Cas­tillo, kapwa 38-anyos, mga residente ng Barangay Altura, Tanauan City at naka-assign sa Marine Security Escort Group, Fort Moniquolo, Ta­guig City at 6th Infantry Division sa Basilan.

Ayon sa ulat, sina Garcia at Castillo ay itinuturong du­mu­kot sa may-ari ng hardware store na si Joselito Go, 49, ng Concepcion Estate, Ba­rangay Mataas Na Lupa, Lipa City.

Napag-alamang papa­uwi na si Go nang harangin ng limang armadong kalala­kihan may ilang metro ang layo sa kanyang garahe habang sakay ng kanyang Nissan X-Trail (XRH-224) bandang alas-5:38 ng ha­pon noong Martes (April 1, 2008).

Sa salaysay ng biktima, hiningan siya ng P15-milyon para makalaya pero naga­wa niyang maibaba sa P1 mil­yon matapos ang maha­bang pakiusapan.

Pinayagan lang maka­laya si Go ng mga kidnaper matapos mangakong mag-iipon ng P1-milyon at ibigay ang kanyang clutch bag na may lamang P.270 milyon, relos na Tudor (P98,000), celfone (P26,000) at gold bracelet na may halagang P.1 milyon para maging parte sa kanyang ransom.

Kaagad naman nakipag-ugnayan si Go sa pulisya matapos pakawalan noong Abril 2 sa bahagi ng Ba­rangay Bulihan sa Malvar, Ba­tangas.

Sa isinagawang entrapment operation, nagpang­gap na drayber ni Go si P/Inspector Joel Laraya na nakipag-ugnayan sa mga kidnaper na magkita sa Le­vitown sa Barangay Ma­raouy hanggang sa ma­dakip ang dalawa na sakay ng Toyota Corolla (UMJ-332) noong Lunes ng ha­pon.

Kasalukuyan nang na­kakulong ang dalawang Marines sa Lipa police station habang inihahanda ang kasong kidnapping at robbery laban sa mga ito.

vuukle comment

BARANGAY ALTURA

BARANGAY MA

CONCEPCION ESTATE

FORT MONIQUOLO

INFANTRY DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with