Niratrat at napatay ang isang rice trader ng nag-isang ‘di-kilalang lalaki sa harapan ng simbahan sa Barangay Condina sa bayan ng Banate, Iloilo kamakalawa.
Anim na bala ng baril ang tumapos kay Rogelio Condina ng Barotac Viejo ng nabanggit na bayan.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kalalabas lamang sa simbahan ni Condina at asawa nitong si Rodita nang harangin at pagbabarilin.
Naniniwala si Rodita na may kinalaman sa kanilang negosyo ang pamamaslang sa asawa. (Danilo Garcia)