Namatay sa pagamutan ang isa sa mga suspek sa pamamaril at pagkakapatay kay Radio Mindanao Network Kalibo Program Director Roland Ureta sa nangyaring krimen sa Kalibo, Aklan noong Enero 2001, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang suspek na si Jessie Ticar na binawian ng buhay sa Aklan Provincial Hospital.
Batay sa report, mahigit isang linggo nang naratay sa pagamutan si Ticar sanhi ng kaniyang sakit sa lalamunan.
Si Ticar ay ikinulong sa Aklan Rehabilitation Center matapos maaresto noong Disyembre 2007.
Sa tala ng pulisya, si Ureta na host ng programang ‘Agong Nightwatch’ ng nasabing radio station ay pinagbabaril at napatay ng dalawang armadong suspek noong Enero 3, 2001.
Nabatid na nagdesisyong sumuko si Ticar sa loob ng tatlong linggo matapos namang maaresto ang ka samahan nitong suspek na si Amador Raz noong Nobyembre 26 ng nakalipas na taon.