Navy man nilikida ng NPA

Camp Vicente Lim, Laguna – Isang miyembro ng Philippine Navy ang natagpuang patay matapos umanong likidahin ng mga hinihinalang mga rebeldeng New People’s Army sa Naic, Cavite kamakalawa.

Kinilala ni Chief Inspector Ruben Lacuesta, hepe ng Naic Police, ang biktimang si Petty Officer 2 Perfecto de Ocampo, 45, ng Naval Training Center San Miguel, Zambales.

Natagpuan ang bangkay ni Petty  Ocampo sa PhilEstate Mango Orchard, Barangay Palanque Central, Naic na may mga tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at dibdib. (Arnel Ozaeta)

Show comments