Ama, 3 anak, niratrat sa pagtulog, patay

Isang ama at tatlo nitong anak na paslit  ang nasawi nang pagbabarilin habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Tugbok District, Davao City kamakalawa ng gabi.

Naganap ang insidente nitong Miyerkules ng gabi sa tahanan ng pamilya Diarog sa Brgy. Manuel Guianga, Tugbok District.

Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang mag-aama nang biglang du­mating ang mga arma­dong suspek na puwersahang pu­masok sa tahanan ng mga ito.

Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw na tuluyang tumapos sa buhay ng mga biktima.

Ang mga suspek ay na­ma­t­aang tumatalilis sa lugar matapos na maisa­gawa ang krimen.

Kabilang naman sa ang­gulong iniimbestigahan ng mga awtoridad sa kasong ito ay ang alitan sa lupa bilang pa­ngunahing motibo ng krimen.

Bago ang massacre sa pamilya ay isang maim­plu­wen­syang grupo sa lugar ang nais bumili ng lupa ng pamilya Diarog subali’t tu­manggi ang mga ito.

Show comments