Hapilon sugatan sa enkuwentro
Nasugatan sa strike operations ng militar si Abu Sayyaf Commander Isnilon Hapilon, isa sa mga wanted na lider ng mga bandido, at anak nito sa kagubatan ng Barangay Marang, Indanan, Sulu kamakalawa.
Ayon kay AFP-Western Command Spokesman Major Eugene Batara, nasugatan sa kaniyang kamay si Hapilon habang ang anak naman nitong si Tabari ay nasa kritikal na kondisyon sa tinamong matinding tama ng bala sa ulo at sa bahagi ng kaniyang tiyan.
Si Hapilon ay may patong sa ulo na $5 milyon na inilaan ng Estados Unidos para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para ma-neutralisa ito buhay man o patay.
Bukod dito ay isa pang sniper naman ng mga bandido ang kumpirmadong nasawi base sa intelligence report ng tropa ng militar na nagsasagawa ng opensiba laban sa mga bandido. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending