^

Probinsiya

ASG- JI camp nakubkob ng militar

-

Matagumpay na nakubkob ng elite forces ng Philippine Marines  at Philippine Army ang isa sa panguna­hing kampo ng Jemaah Islamiyah at mga bandidong Abu Sayyaf na may ugnayan sa Al Qaeda terrorist network sa isinagawang strike operations ng commando units ng military sa kagubatan ng Indanan, Sulu kahapon ng madaling-araw.

Sa isang phone interview, sinabi ni  Joint Task Force Comet Commander Brig. Gen. Juancho Sabban, pa­sado alas-12 ng madaling-araw ng lusu­bin ng tropa ng mga sundalo ang pinagkukutaan ng naturang mga tero­ristang grupo sa kagubatan ng Sitio Candinamon sa bayan ng Indanan.

Ayon kay Sabban sa nasabing strike operations ay pinaniniwalaang malaking bilang ang nalagas sa mga kalaban habang wala namang naitalang sugatan sa panig ng tropang gobyerno. 

Nabatid na nagpakawala ng 105 millimeter Howitzer at mortar rounds ang mga sundalo sa kampo ng ektremistang Muslim na sinundan naman ng ground assault ng Marines. 

Ang nasabing kampo ay siya umanong pina­mumugaran nina Abu Sayyaf leader Commander Radullan Sahiron at JI bomb expert Umar Patek, suspect sa 2002 Bali bombings sa Indonesia na kumitil ng buhay ng mahigit 200 katao.

Sinabi ni Sabban nagawa nilang makubkob ang nasabing kampo sa pamamagitan ng may 300 tropa ng mga sundalo kontra sa may 200 Abu Sayyaf at JI terrorists maliban pa sa augmentation forces mula sa Moro National Liberation Front (MNLF).

Narekober rin sa naturang kampo ang mga sangkap sa paggawa ng bomba na pinani­ni­walaang gagamitin ng naturang mga terorista sa paghahasik ng terorismo sa mga urban centers sa rehiyon ng Mindanao. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AL QAEDA

COMMANDER RADULLAN SAHIRON

INDANAN

JEMAAH ISLAMIYAH

JOINT TASK FORCE COMET COMMANDER BRIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with