^

Probinsiya

P1M vs killer ng ADD TV host

- Joy Cantos -

Nagpalabas kahapon ng P1milyong pabuya ang UNTV Channel 37 para sa sinu­ mang makapagbibigay ng impormasyon laban sa killer ni Dating Daan religious member Marcos Mataro, host ng “D Ex-Man” program  ng nasabing television network.

Sa press statement na ipinamahagi sa PNP  Press Corps sa Camp Crame, sinabi ni UNTV Station Manager/Broadcaster Jay Sonza, nag-aalok sila ng P1 milyon para mapabilis ang pag­ lutas sa pagpatay sa isa sa kani­lang mga host na si Mataro.

Ayon kay Sonza, ang nasabing halaga ay donas­yon ng kanilang mga sponsor, sympathizer at mga ka­ ibigan na ibig mabigyang hus­tisya ang sinapit ng kani­lang anchorman.

Si Mataro, 39, ay religious member ng Iglesia ng Diyos Kay Kristo Hesus Church na pinamumunuan ng kontro­ber­syal na spiritual leader at Ang Dating Daan host Eliseo “Eli” So­riano.

Ang nasabing UN TV host ay pinagbabaril hang­gang sa mapatay sa kaha­baan ng toll exit sa San Simon, Pam­panga noong Linggo ng umaga.

Narekober naman ng mga awtoridad sa crime ang mga basyo ng bala ng 9mm at ang motorsiklong DW-4524 na inabandona ng dala­ wang ‘di pa kilalang lalaki.

Sinisilip naman ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman sa mga ka­song attempted homicide sa kinakaharap ni Mataro sa Apalit Municipal Trial Court at Que­zon City Regional Trial Court na posibleng may kina­laman sa pama­maslang.

Posible rin anya na may ki­nalaman ang krimen sa pag­lipat ng biktima sa grupo ng ADD, ayon sa mga imbes­tigador.

Kaugnay nito, umapela naman ang UNTV kay Philippine National Police Chief Director General Avelino Razon Jr., at Police Regional Office (PRO) 3 Director Errol Pan na madaliin ang pagre­solba sa kaso.

ANG DATING DAAN

APALIT MUNICIPAL TRIAL COURT

BROADCASTER JAY SONZA

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with