^

Probinsiya

Mag-asawa utas sa ambush

-

BATANGAS  — Napa­aga ang salubong ni ka­matayan sa isang 47-an­yos na mister at ang kan­yang anim na buwang bun­tis na asawa makaraang tam­bangan ng mga di-pa na­kikilalang kala­lakihan sa bayan ng Rosa­rio, Bata­ngas kamakalawa ng uma­ga.

Kinilala ni P/Chief Inspector Ruperto Hupida, hepe ng Rosario PNP, ang mag-asawang sina Hilario at Nenita Inandan na kapwa residente ng Ba­rangay Bagong Pook, Rosario, Batangas.

Ayon sa ulat, magka­ang­kas ang mag-asawa sa motorsiklo (DR-4377) at binabagtas ang kahabaan ng barangay road sa Ba­rangay Bagong Pook nang sundan sila ng riding-in-tandem gunmen bandang alas-9 ng umaga.

 Pagdating sa ilang na lugar ng nabanggit na ba­rangay, pinagbabaril ang mag-asawa kung saan nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan si Hila­rio samantalang dala­wa naman ang tumama kay Nenita.

Sinisilip ng mga imbes­tigador na awayan sa lupa ang posibleng motibo ng pa­mamaslang sa mag-asawa.

vuukle comment

AYON

BAGONG POOK

BATA

BATANGAS

CHIEF INSPECTOR RUPERTO HUPIDA

HILARIO

KINILALA

NENITA INANDAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with