Kendi sukli sa puri ni nene
Umiiyak na nagsumbong sa pulisya ang ina at ang biktima na itinago sa pangalang Candy, kapwa residente ng Las Brisas Mendez, Crossing, Tagaytay City habang agad naaresto ang suspek na si Roger Gaviola, 47.
Sa ulat ni P/Supt. William Segun, hepe rito, dakong alas-6:00 ng gabi, naglalaro sa tapat ng bahay ng suspek ang biktima nang tawagin niya ito at utusang bumili ng kendi at bibigyan din umano niya ang biktima.
Dahil kilala naman ang suspek ay agad na sumunod ang biktima at ng bumalik ay tinawag si Mang Roger ngunit sumagot itong “halika andito ako sa sala” at pagbulaga sa pinto ng biktima ay agad na hinaltak at isinara ang pinto.
Dahil malakas ay hindi nakapanlaban ang bata na agad na tinakpan ang bibig at dali daling isinagawa ang maitim na balak dahilan upang maagang malugso ang puri ng biktima. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending

















