15 MILF  sumuko

Umaabot sa 15 rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na sumuko sa tropa ng militar sa bayan ng Banisilan, North Cotabato kamakalawa. Ang mga nagsisukong rebelde sa tropa ng 602nd Infantry Battalion ay pinamumunuan ni Mando Sula ng 106th MILF Base Command. Ayon kay Col. Pedro Soria, kumander ng 602nd IB, isinuko rin ng mga rebelde ang mga armas kabilang ang isang M-14 armalite rifle, 2-garand rifles, carbine, AK-47 rifle at dalawang M79 grenade launchers at mga bala. Tiniyak naman ng opisyal na  makapag-aavail ng cash at livelihood assistance ang mga sumukong MILF rebels sa ilalim ng “Balik Baril” program ng pamahalaan. Joy Cantos

Show comments