Ex-councilor dinukot, pinatay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang dating miyem­bro ng Sangguniang Bayan ang iniulat na dinukot bago pinaslang ng mga rebeldeng New People’s Army ka­hapon ng umaga sa Sitio Bodega, Barangay Pasig sa bayan ng Claveria, Masbate.

Nakilala ang biktimang trader na si Pepe Yap  na dinukot sa harapan mismo ng kanyang misis at kamag-anakan ban­dang alas-7 ng umaga.

Nabatid na bago naganap ang pamamaslang aabot sa 30 rebelde ang dumating sa bahay ng biktima dakong alas 6 ng umaga at sapilitan kinaladkad kahit kalong nito ang anak na lalaki.

Matapos kaladkarin palayo ng kanyang bahay ay dinala ng mga rebelde ang biktima sa Barangay Ki - Putol saka ipinarada sa boung barangay.

Nagmamakaawa ang misis sa mga rebelde ay hindi pinakinggan at sa harapan mismo ng misis nito tinodas ang biktima.

Matapos ang ginawang  pamamaslang ay palakad na lumayo ang mga rebelde na pinaniniwalaang may matinding atraso ang biktima. (Ed Casulla)

Show comments