Misis kinatay ni mister

LEGAZPI CITY – Dahil sa lover ang dinadalang sanggol sa sinapupunan, isang 27-anyos na misis ang pinagta­taga ng sariling mister sa loob ng kanilang bahay sa Ba­rangay Malaba sa bayan ng Polangui, Albay kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Violeta De Castro, sa­manta­lang sumuko naman sa pu­lisya ang obrerong suspek na si Angel De Castro, 30.

Sa ulat ng pulisya, naga­nap ang krimen dakong alas-5:25 ng umaga kung saan nagtalo ang mag-asawa kaug­nay sa pinag­bubuntis ng ba­bae.

Nabatid na ang mister ay kauuwi lamang at nag­bakas­yon mula sa pagta­trabaho sa Maynila at bihirang umuwi.

Napag-alaman ipinag­tapat ng misis sa kanyang mister na siya ay nagka­roon ng relasyon sa isang alyas Mario Delos Reyes ng Barangay Buyo ng natu­rang bayan.

Subalit, hindi pa nagta­ta­­pos ang ipinagtapat ng misis at sinabi pa nito siya ay buntis ng dalawang buwan at ang ama ng kanyang dinadala ay ang lover.

Dahil sa matinding galit ng mister ay kaagad na nagtungo sa kanilang kusina at ki­nuha ang itak saka pinagta­taga ang kan­yang misis. Ed Casulla

Show comments