^

Probinsiya

640 tinuli sa loob ng 8-oras

-

SAN FERNANDO CITY, La Union – Posibleng maitala sa Guinnes Book of World Records ang ginawang “Operation Tuli” ni Dr. Jessie Miranda sa 640 kabataan mula sa 59 barangays sa San Fernando City, La Union noong Sabado.

“I’m not tired! Nag-enjoy nga ako eh,” pahayag ni Dr. Miranda na nakangiti habang palabas ng operating room sa City Health Office sa 2nd floor ng Marcos Bldg kung saan isinagawa ang pagtuli sa mga kabataan may edad 4 hanggang 15-anyos mula sa 59 barangays.

Napag-alamang sinimulan ni Dr. Miranda ang “Operation Tuli” ganap na alas-8:15 ng umaga hanggang alas-4:05 ng hapon na may 30-minutong break (12:30-1:00 ng tangahali)

Base sa tala, aabot sana sa 998 kabataan pasyente ang sa­sa­ilalim sa operasyon, subalit sa hindi inaasahan, ang iba ay ma­agang umuwi dahil hindi preparado at ang iba naman ay kabado.

“Dapat mas marami pa akong matutuling kabataan dahil target kong tapusin sa alas-5 hanggang alas-6 ng hapon,” dagdag pa ni Dr. Miranda. 

Aabot sa 66 kabataan ang na-circumcise ni Dr. Miranda sa loob ng unang oras kung saan aabot sa limang segundo ang na­ita­­lang pinakamabilis na natuli sa katauhan ng isang 8-anyos na bata.

Si Dr. Miranda na isang law graduate at dating pangulo ng Gay Society La Union ay three-term councilor sa nasabing lungsod at inaasahang makikipag-ugnayan sa CHO sa pamamagitan nina Dr. Eduardo Posadas at Mayor Pablo Ortega para makapasok sa Guinness. Jun Elias

CITY HEALTH OFFICE

DR. EDUARDO POSADAS

DR. JESSIE MIRANDA

DR. MIRANDA

LA UNION

MIRANDA

OPERATION TULI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with