^

Probinsiya

Bus nahulog sa bangin, 10 patay

- Nina Christian Ryan Sta. Ana at Joy Cantos -

CABANATUAN CITY – Umabot na sa sampung katao ang iniulat na nasawi makaraang mahulog ang kanilang sinasakyang bus sa isang bangin sa Panta­bangan, Nueva Ecija, kaha­pon ng umaga.

Pitong lalaki at tatlong ba­bae na umano ang sina­sabing nasawi habang ma­rami pang mga sugatang biktima ang naitala sa aksi­dente batay sa impor­mas­yong dumating sa tangga­pan ni P/Senior Supt. Napoleon C. Taas, Nueva Ecija provincial police director.

Sinabi ni Taas na ang Dalin Bus Liner, with body number 588, ay patungo sa bayan ng Casiguran, Aurora galing ng Cabanatuan City nang mawalan umano ng kontrol ang drayber nito sa manibela at aksidenteng nahulog ang sasakyan sa matarik na bangin sa ba­hagi ng Kilometer 8 sa Barangay Cadaclan, Pan­ta­bangan, dakong alas-10 ng umaga.

Isa sa iniulat na agad na namatay ay ang drayber ng bus na nakilalang si Peter Bolingat.

Inaalam pa ang pagka­ka­kilanlan ng iba pang mga biktima habang isinusulat ang balitang ito.

Sinabi ni Pantabangan Mayor Romeo Borja Sr. sa isang panayam sa telepono na 10 sibilyan na ang nabatid niyang namatay sa aksidente na inireport agad sa kanya ng kanyang anak na si Provincial Board Member Romeo Borja Jr.

Sinabi pa ng alkalde na marami na umano silang natatanggap na ulat na matutulin umanong mag­patakbo ang drayber ng bus sa naturang lugar at ito ay napakadelikado dahilan sa matarik na ruta o daan sa may hangganan ng Pan­tabangan at lalawigan ng Aurora.

Sinabi naman ni Tim Dante, superintendent ng Dalin Bus Line, na nahulog umano ang bus nang ang preno nito ay hindi gu­mana sa matarik at de­likadong kurbada ng kal­sada sa Barangay Ca­daclan.

Nabatid na may laman na 50 pasahero ang bus nang maganap ang aksi­dente.

Magugunita na noong nakalipas na linggo, 10 katao rin ang nasawi nang mahulog sa may 300 ta­lampakang bangin ang sinasakyang pampasa­herong bus sa kanugnog na lalawigan naman ng Nueva Vizcaya.

vuukle comment

BARANGAY CA

BARANGAY CADACLAN

BUS

CABANATUAN CITY

NUEVA ECIJA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with