Umbagerong mister tinodas ni misis

Masaklap na kamatayan ang sinapit ng isang mister sa kamay ng sariling misis makaraang pagpapaluin ng bakal ay tinusok pa sa ulo ang una habang ito ay natu­tulog sa kanilang bahay sa Barangay Quimmarayan, Santo Domingo, Ilocos Sur kamakalawa ng gabi.  

Hindi na nagising sa pag­kakatulog ang magsa­sa­kang si Leonardo Pi­mienta, 43, habang su­muko naman sa pulisya ang suspek na si Flordeliza Soliven Pimienta, 41, tubong Santo Tomas, La Union.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, umabot na sa sukdulan ang pagtitiis sa araw-gabing kalbaryo sa panggugulpi ng biktima sa suspek kaya gumanti ito habang natutulog.

Bago ang insidente ay ginulpi pa ng mister ang kan­­yang misis at sa so­brang pagod ay naka­tulog ang biktima.

Nanaog naman ang babae sa kanilang tahanan at kumuha ng putol na tu­bong matulis na ginamit nito sa pamamaslang sa sariling mister.

Show comments