^

Probinsiya

‘Sisig queen’ tinodas ng kawatan

-

Brutral na kamatayan ang sinapit ng isang ne­gosyanteng tinaguriang “Sisig queen” ng Pilipinas makaraang martilyuhin sa ulo ng ‘di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanyang taha­nan sa Angeles City, Pam­panga kahapon ng umaga.

Base sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na natag­puan ang bangkay ni Lucita Cunanan, 80, bandang alas-5 ng umaga sa loob ng kanilang bahay sa Pineda Street sa Barangay C.M. Recto, Angeles City.

Sa salaysay sa mga awtoridad ni Dr. Louie Sison, doktor ng pamilya  Cunanan, patay na si Aling Lucing Sisig nang suriin niya ang pulso nito kung saan magtamo ng mala­laking sugat sa ulo sanhi ng matigas na bagay

Lumilitaw na bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang umalis sa bahay ang mister ni Aling Lucing na si Mang Tino para bumili ng almusal.

Sinasabing pagnana­kaw ang motibo ng krimen matapos na madiskubreng ilang alahas ng biktima ang nawawala.

Posibleng sinaman­tala ng killer ang pag-iisa ng matandang trader saka isinagawa ang krimen.

Walang palatandaang pinuwersang buksan ang pintuan ng bahay ng bik­tima kaya posibleng isalang din sa masusing imbesti­gasyon si Mang Tino at ang kanilang kasambahay. Joy Cantos

vuukle comment

ALING LUCING

ALING LUCING SISIG

BARANGAY C

JOY CANTOS

LOUIE SISON

LUCITA CUNANAN

MANG TINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with