^

Probinsiya

19 Vietnamese ‘poachers’ nakapuga

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Posibleng masi­bak sa tungkulin ang mga pulis ng isang bayan sa Pa­lawan makaraang mataka­san ng 19-Vietnamese na na­ una nilang naaresto ha­bang iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Pala­wan noong Linggo ng umaga.

Ayon kay P/Senior Supt. Dennis Pena, Palawan police director, naaresto ng mga pulis-Balabac, ang 21 Vietnamese matapos ma­diskubreng  may mga pawi­kang nalambat at mga endangered na isda sa kani­lang fishing boat.

Napag-alamang du­maong ang grupo ng Vietnamese sa nasabing isla matapos ma­salubong ang bagyong “Ambo” sa Pala­wan at hindi inaasahang insidente kaya ikinulong.

Subalit noong Lunes ng gabi, nabulabog ang Bala­bac police station matapos ma­diskubre nilang nata­kasan sila ng 19 sa 21 Vietnamese na kanilang na­aresto habang nasa kasag­sagan ng bagyo.

 “Sinamantala ng mga Vietnamese ang tiwalang ibinigay sa kanila ng ating mga pulis matapos paya­gan silang pumunta sa kanilang fishing boat para kumuha ng kanilang pag­kain,” pahayag ni Pena.

Gayon pa man, kakasu­han naman ng illegal entry at illegal fishing ang kapitan ng Vietnamese fishing boat na na­kilala lamang sa alyas “Dan” at ang kanyang chief mechanic na si Wee Wam Tam na pawang naiwan sa pre­sinto. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

AYON

BALA

DENNIS PENA

PLACE

SENIOR SUPT

SHY

WEE WAM TAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with