^

Probinsiya

Abusadong pulis kalaboso

-

Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa serbisyo ang isang bagitong pulis makaraang manakot, manutok ng baril at tangkain pang agawin ang cellphone ng isang misis sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Oton, Iloilo kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan habang nakapiit ang suspek na si PO1 Gabriel Corsino ng Reserved Service sa Camp Delgado. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, hinaras ng suspek na lango sa alak ang biktimang si Esperanza Camago na nakatayo lamang sa gilid ng highway sa nabanggit na barangay. Joy Cantos

Mag-utol todas sa bangin

CAVITE -  Napaaga ang salubong ni kamatayan sa mag-utol na lalaki makaraang mahulog sa may 40-talampakang bangin sa Barangay Maderan, General Mariano Alvarez, Cavite kahapon. Kinilala ng pulisya ang mga bitkimang sina James Edward Espino, 21 at Jay Espino, 19, kapwa naninirahan sa Barangay Ramon Cruz ng nabanggit na bayan. May teorya ang pulisya na ang mag-utol ay kasama ni Alfredo Espino na tumakas dahil sa pagkakabaril kay Hervy Evangelista, subalit nahulog naman sa bangin. Cristina Timbang

Bangka lumubog, tripulante lunod

CEBU – Kumpirmadong nasawi ang isang lalaki habang limang iba pa ang nasagip makaraang lumubog ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Camotes island sa Cebu noong kasagsagan ng bagyong “Ambo” noong Linggo. Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard-Cebu, kinilala sa alyas Loloy, ang nasawing biktima habang isinugod naman sa Don Vicente Sotto Memorial Medical Center, Cebu City sina Edwin Cualvar, 42, ng Barangay Cogon-Pardo, Cebu City; Jose Luares, 25, ng Cantilan, Surigao del Sur; Capt. Joebert Luares, John Mark Dano,  14, ng Barangay Tayud, Consolacion at si Recto Luares, 23, ng Cantilan, Surigao del Sur, na pawang sakay ng MB Joy mula sa pantalan ng Tandag, Surigao del Sur patungong Cebu. Ayon kay Cebu Coast Guard Commander Antonio Cuasito, ang nasabing fishing boat ay naglayag noong Sabado ng gabi hanggang sa nakasalubong nito ang malalaking alon sa kasag­sagan ng bagyong Ambo. Edwin Ian Melecio

P.3M nalimas sa banko

BULACAN – Tinatayang aabot sa P.3-milyon ang natangay makaraang looban ang isang banko ng tatlong armadong kalalakihan sa Barangay Bonga Menor sa bayan ng Bustos, Bulacan kamakalawa. Sa ulat ni Senior Insp. Alfonso Cruz, hepe ng pulisya sa Bustos, pinasok at pinagnakawan ang Rural Bank of Bustos bago ikinulong sa safety vault ang limang kawani na sina Priscilla Desiderio, Marita Montoya, Elvie Cruz, Virlyn Bartolome at si Michael Reyes. Nadiskubre ang insidente matapos na dumating ang dalawang kliyente at manager ng banko. Ayon sa pulisya, walang security guard at security camera ang nasabing banko. Dino Balabo

vuukle comment

ALFONSO CRUZ

AYON

CEBU CITY

CITY

PLACE

SURIGAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with