^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

Kawani ng SC dedo sa bisita

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Naging madugo ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang kawani ng Supreme Court makaraang aksidenteng mabaril at mapatay ng kanyang bisita sa bayan ng Sta. Cruz Laguna, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Leon Matienzo, 60, ng Barangay San Jose at process server ng Supreme Court. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang mga bisita sa loob ng tahanan nang simpleng lumabas ang bisitang si Feliciano Cambel para magpaputok ng baril. Matapos magpaputok, pumasok si Cambel sa loob ng bahay bitbit ang kanyang baril pero aksidente itong pumutok habang nasa harap ni Matienzo at ibang mga bisita. Tinamaan sa tiyan si Matienzo, samantalang sugatan naman si Ricky Soriano matapos tamaan ng bala sa likuran. Namatay habang ginagamot sa Laguna Provincial Hospital si Matienzo habang tugis ng pulisya si Cambel na tumakas matapos ang insidente. (Arnell Ozaeta)

5 mag-uutol nalason sa party

Limang mag-uutol ang iniulat na nalason sa kinaing spaghetti at salad makaraang dumalo sa birthday party ng kanilang pinsan sa Purok 5, Barangay Bula sa General Santos City kamakalawa. Kabilang sa mga nasa kritikal na kondisyon ay sina Carlos Madrid, 18; Julieta, 13; at si Judy Ann, 7. Samantala, nagpapagaling na lamang sa kanilang tahanan ang dalawa pa sa mga bata na sina Cristal, 10; at Carol, 12. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagsidalo ang mga biktima sa birthday party ng kanilang pinsan bago kumain ng spaghetti, pansit, apritada at salad. Gayon pa man, iIang oras lamang matapos kumain sa party ay sumakit, nahilo at nagsusuka na ang mga biktima. Patuloy namang sinusuri ng mga awtoridad ang sample na pagkain na pinagmulan ng bacteria na nakalason sa mga biktima. (Joy Cantos)

ARNELL OZAETA

BARANGAY BULA

BARANGAY SAN JOSE

MATIENZO

PLACENAME

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with