Niyanig ng magkasunod na pagsabog ang dalawang lugar kabilang ang Metropolitan Cathedral sa Zamboanga City kahapon ng madaling araw.
Batay sa report ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command, unang pinasabugan dakong alas-4:10 ng madaling araw ang Metropolitan Immaculate Concepcion Cathedral sa kahabaan ng La Purisima Street ng lungsod.
Ang pagsabog ay nagbunsod sa pagkawasak ng dalawang behikulo na pag-aari ng isang pari na nakaparada sa ibaba at kaliwang wing ng dalawang palapag na simba han.
Ayon kay Task Force Zam boanga Chief Col. Darwin Guerra, ang pagsabog ay lumikha ng kalahating inches na hukay at ikinawasak ng salaming pintuan at bintana ng cathedral gayundin ang iba pang kagamitan.
Walang nasugatan o nasawi sa insidente na pinaniniwalaang pananakot lamang para sa mga dadalo ng misa sa simbahan na itinakda ganap na alas-5 ng umaga.
Hinihinala ng mga awtoridad na kagagawan ito ng alyansang Abu Sayyaf at Al Qaida international terrorist group.
“Wala sigurong planong maghasik ng gulo, gusto lang talagang manakot,” ayon sa opisyal.
Ilang minuto matapos ito, sumunod namang pinasabugan bandang alas-4:35 ng madaling araw ang isang lugar malapit sa isang komersyal na bangko may 1.5 kilometro ang layo sa naturang simbahan.
Ayon sa ilang testigo, tat long hindi pa nakilalang mga lalaki na lulan ng motorsiklo ang namataang tumatalilis sa lugar.
Kaugnay nito, nagpatupad na ng mahigpit na seguridad ang mga elemento ng pulisya at militar habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso upang panagutin ang mga responsable sa pagpapasabog.