^

Probinsiya

7-anyos polio victim patay sa gulpi ng ama

-

Matinding pahirap sa katawan bago kalawitin ni kamatayan ang isang 7-anyos na batang lalaki na may polio makaraang mapa­tay sa gulpi ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Puntagorda, Barangay Hermano sa bayan ng Ba­linga­sag, Misamis Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Idineklarang patay sa Northern Mindanao Medical Center ang biktimang si Joshua Montalban, saman­talang kalaboso naman ang suspek na si Venancio Mon­talban, 27.

Sa ulat ng pulisya na naiparating sa Camp Crame, lumilitaw na noong Linggo ng hapon (Abril 6) ay sinimulang gulpihin ng suspek ang sa­riling anak na paralitiko.

Ang pambubugbog sa bata ay nasundan pa nitong nakalipas na dalawang araw hanggang sa tuluyan itong hindi na makagalaw sa matinding sugat at mga pasa na tinamo sa katawan.

Naawa naman ang kapit­bahay na si Gina Castro sa pa­lahaw ng bata nitong na­kalipas  na mga araw kaya’t ku­matok ito sa kubo ng pa­milya Montalban kung saan ay nasilip nito na halos hindi na makagulapay sa sulok ng kubo ang bata saka uma­agos pa ang dugo sa ulo.

Napilitan ipagbigay-alam ni Castro sa mga opisyal ng ba­rangay ang insidente kaya kinuha nila ang bata at isi­nugod sa nasabing paga­mutan subali’t huli na ang la­hat.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon na nagalit ang suspek sa anak dahil kinain nito ang iti­nabi niyang dalawang pira­song pritong manok na ka­niyang iuulam sana sa ha­pu­nan kaya binugbog ang paslit.

Inamin ng suspek sa pulisya na lango siya sa alak kaya nagawa niyang gulpihin ang sariling anak na may kapansanan subalit hindi inakalang mauuwi sa kama­tayan. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY HERMANO

GINA CASTRO

JOSHUA MONTALBAN

JOY CANTOS

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with