^

Probinsiya

Mag-ama tiklo sa buy-bust

-

CEBU CITY — Dobleng kaso ang kakaharapin ng isang 46-anyos na ama makaraang gawing drug-runner ang sariling 12-anyos na anak na lalaki na nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Lorega-San Miguel, Cebu City, Cebu.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Nestor Tejas, samantalang nasa custody ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang anak nitong lalaki na kapwa naninirahan sa Sitio Camanse ng nabanggit na barangay.  Ayon kay P/Supt. Rex Derilo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-7, isinagawa ang buy-bust kung saan umorder sila ng 50 gramo ng shabu mula kay Tejas matapos na makatanggap ng ulat na nagtutulak ito ng shabu sa nasabing barangay. Ngunit, ang nakapagpaalarma ng pulisya ay sinasabing ang anak nitong 12-anyos ang ginagamit bilang tagapagbitbit ng droga dahil na rin sa proteksyon ng kabataan base sa nakasaad sa Juvenile Justice Act. Tumayong poseur buyer si SPO2 Delfin Bontuyan sa buy-bust operation kaya nasakote ang mag-ama na nakumpiskahan ng mark money at ilang pirasong sachet ng shabu. Edwin Ian Melecio

BARANGAY LOREGA-SAN MIGUEL

CEBU

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DELFIN BONTUYAN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EDWIN IAN MELECIO

JUVENILE JUSTICE ACT

NESTOR TEJAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with