^

Probinsiya

JI hideout ni-raid, bomba nasamsam

-

Sinalakay ng mga awto­ridad ang itinuturing na hideout ng mga teroristang Je­maah Islamiyah kung saan na­katakas ang pa­ngu­­nahing target sa isi­nagawang ope­rasyon sa Barangay Pobla­cion 3, Alaminos, Laguna noong Martes ng gabi.

Iprinisinta sa mga ma­mamahayag nina PNP chief Director General Ave­lino Razon Jr., Interior and Local Government Secretary Ro­nal­do Puno at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Raul Casta­ñeda ang mga sangkap na pampasabog na nakum­piska sa raid.

Ayon kay P/Senior Supt. Felipe Rojas Jr., Laguna police director, ang raid ay isi­na­gawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cesar Mangrobang ng Imus Regional Trial Court kung saan isang tipster ang nag­turo sa safehouse ng JI sa Al Emam Compound.

Tugis na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Laguna police ang panguna­hing suspek na si Khalid Pagayao na hindi pa naman malinaw kung ito ay miyem­bro ng Jemaah Islamiyah na res­ponsable sa mga pagpa­pasabog sa iba’t ibang ba­ha­gi ng mundo at nagpa­pla­nong pasabugin ang ilang em­ba­hada partikular na ang US Embassy sa Metro Manila.

Bagamat wala ang sus­pek sa bahay nito, nasam­sam naman ang 550 pira­song improvised blasting caps, mga Tetryl compound, 2 piraso ng detonating cord at 25-piraso ng time fuse.

Ayon kay Razon, patu­nay lamang na hindi ini­imbento ng mga awtoridad ang bali­tang naglabasan sa iba’t ibang pahayagan kaugnay sa bina­ balak na paghahasik ng tero­rismo ng JI sa Metro Manila.

AL EMAM COMPOUND

AYON

BARANGAY POBLA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR GENERAL AVE

DIRECTOR RAUL CASTA

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with