Koreana nilikida sa Batangas

BATANGAS CITY, Ba­tangas – Pinagbabaril hang­gang sa mapatay ang isang 66-anyos na Koreana bago iniwan sa madamong baha­ging sakop ng Barangay San Mariano sa bayan ng San Pas­cual, Ba­tangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, ang biktimang si Young Ja-Park ng Seoul, Korea at dumating sa bansa bilang turista.

Ayon sa ulat, lumilitaw na ka­ sama ng biktima ang kan­yang anak na si Jeongong Won­seo sa pamamasyal sa Shangrila Makati noong Huwe­bes ng Abril 3 nang sandaling maghiwalay muna at nagka­sun­dong magkita sa tinutu­luyan nilang Emerald Condominium sa Ortigas, San Juan.

Napag-alamang nabahala ang anak nang hindi na naka­balik ang ina nito sa kanilang condo unit na nagbunsod para humingi ng tulong sa Korean Embassy

Sa imbestigasyon, natag­puan ang bangkay ng biktima  sa nabanggit na barangay na may mga tama ng bala ng baril sa ulo.

Batay sa salaysay ng mga residente, may narinig silang dalawang putok ng baril bago may sumibad na isang kulay puting van patungo sa ‘di-ma­lamang direksyon.

Narekober mula sa biktima ang handbag na may P51,700 at nabatid din na nag-papalit pa ng Korean money sa peso na P200,000 ang biktima bago ito pinaslang.

May teorya ang mga awtori­dad na sindikato ng mga Ko­reano ang posibleng pumatay sa biktima habang patuloy pa rin ang imbestigasyon. (Arnell Ozaeta)

Show comments