Jap exec kinatay sa Cavite

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 38-anyos na Japanese executive na nakapangasawa ng Pinoy ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang apartment sa panibagong  kara­hasang naganap sa bayan ng Rosario, Cavite noong Biyernes ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Ricardo Pa­dilla, Region 4-A police director, kinilala ang biktimang si Yu Ko Paredes, manager ng House Technology Industries sa Cavite Export Processing Zone, Rosario, Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-9 ng umaga nang ma­katanggap ng tawag sa telepono ang Rosario PNP mula sa isang Anna Sunga, company nurse ng naturang kumpanya para  I-report ang naturang krimen.

Napag-alamang tinungo nina Utsuyama Hironari at Hamada Takamitsu, mga katrabaho ni Yu, ang tinu­tu­luyan nitong Concha Apartment, Recafrente Compound sa Barangay Pobla­cion nang hindi na ito mag-report sa kanyang trabaho at hindi na rin su­masagot sa kanyang cell­ phone.

Sa salaysay ng mga nakasaksi, natagpuan ang bangkay ni Yu sa 2nd floor ng kanyang apartment na pa­wang tadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng kata­wan bago mag-alas -9 ng umaga

Sa inisyal na imbesti­gasyon, bandang alas-2:30 ng umaga nang may mapan­sin ang mga kapitbahay ng biktima na tatlong kalala­kihang sakay ng motorsiklo na paikut-ikot sa kanilang lugar at animo’y may sinusu­baybayan.

Nang subuking kontakin ng PSNGAYON ang himpi­lan ng pulisya sa bayan ng Rosario kaugnay sa posib­leng motibo ng krimen ay pawang mga tikom ang bibig ng mga imbestigador dahil tanging ang hepe ng pulisya lamang na si P/Supt. Ed­gardo Roquero lang daw ang may karapatang mag­bigay ng detalye.

Nang tawagan naman ng PSNGAYON si Col Roque­ro, ayaw nitong sagutin ang kanyang celfone na tulad din ni Cavite provincial director Senior Supt. Hernando Zafra na tumanggi ring magbigay ng anumang impormasyon at nagsabing i-news block out ang kaso.

Show comments