Jap exec kinatay sa Cavite
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 38-anyos na Japanese executive na nakapangasawa ng Pinoy ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang apartment sa panibagong karahasang naganap sa bayan ng
Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Ricardo Padilla, Region 4-A police director, kinilala ang biktimang si Yu Ko Paredes, manager ng House Technology Industries sa Cavite Export Processing Zone, Rosario, Cavite.
Ayon sa ulat, bandang alas-9 ng umaga nang makatanggap ng tawag sa telepono ang Rosario PNP mula sa isang Anna Sunga, company nurse ng naturang kumpanya para I-report ang naturang krimen.
Napag-alamang tinungo nina Utsuyama Hironari at Hamada Takamitsu, mga katrabaho ni Yu, ang tinutuluyan nitong Concha Apartment, Recafrente Compound sa Barangay Poblacion nang hindi na ito mag-report sa kanyang trabaho at hindi na rin sumasagot sa kanyang cell phone.
Sa salaysay ng mga nakasaksi, natagpuan ang bangkay ni Yu sa 2nd floor ng kanyang apartment na pawang tadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan bago mag-alas -9 ng umaga
Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng umaga nang may mapansin ang mga kapitbahay ng biktima na tatlong kalalakihang sakay ng motorsiklo na paikut-ikot sa kanilang lugar at animo’y may sinusubaybayan.
Nang subuking kontakin ng PSNGAYON ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Rosario kaugnay sa posibleng motibo ng krimen ay pawang mga tikom ang bibig ng mga imbestigador dahil tanging ang hepe ng pulisya lamang na si P/Supt. Edgardo Roquero lang daw ang may karapatang magbigay ng detalye.
Nang tawagan naman ng PSNGAYON si Col Roquero, ayaw nitong sagutin ang kanyang celfone na tulad din ni Cavite provincial director Senior Supt. Hernando Zafra na tumanggi ring magbigay ng anumang impormasyon at nagsabing i-news block out ang kaso.
- Latest
- Trending