6 sugatan sa oil depot blast

Anim-katao ang iniulat na nasugatan makaraang su­ ma­bog ang tangke na imba­kan ng liquified petroleum gas (LPG) ng Petron Corporation sa Misamis Occidental.

Kabilang sa mga biktima ay sina Pepen Conijos, Yao­ming Tailaran, Noel Hansul, Juvy Acabo, Dioniso Ortiz at si Fedelito Cabilinga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naitala ang pag­sabog dakong alas-9 ng umaga noong Biyernes sa oil depot ng Petron Corp. sa Barangay Pali-an, Jimenez.

Ayon sa dalawang biktima na sina Ortiz at Cabilinga, nag­didiskarga sila ng 11-tangke ng LPG na walang laman sa isang trak na dadal­hin sana sa Pagadian City nang maka­amoy sila ng ma­sangsang mula sa malaking tangke sa depot.

Dito nila nakita na biglang may kumislap sa tubo ng tang­ ke kasunod ang malakas na pagsabog hanggang sa madamay ang mga bikti­mang sina Conijos, Tailaran, Hansul at Acabo na mas malapit sa pagsabog.

Dahil sa panganib sa ka­nilang buhay, hiniling ngayon ng mga residente ng natu­rang lugar na ilipat na ang na­tu­rang oil depot sa mas ligtas na lugar matapos na mawa­sak ang ilan nilang gamit sa loob ng ba­hay dahil sa pag­sabog.

Patuloy naman ang im­ bes­tigasyon ng mga kinau­ukulan sa naganap na pag­sabog.  (Danilo Garcia)

Show comments