Anak ‘inaswang’ ng ama

Inaresto ng mga awto­ridad ang isang ama ma­tapos itong ireklamo ng panggagahasa sa kaniyang 10 anyos na anak na babae sa Koronadal City, South Cotabato, ayon sa ulat ka­hapon.

Kinilala ang suspek na si Roger Porte, 43, residente ng Barangay Saravia ng  nasabing lungsod.

Ang biktima na itinago sa pangalang Niña ay nagrek­lamong tatlong  be­ses uma­no siyang gina­hasa ng kan­yang ama.

Nagpapakalasing muna ang suspek at tinatakot ang anak na papatayin umano ito kapag nagsumbong sa ka­nilang mga kasambahay.

Gayunman, itinanggi ni Porte ang alegasyon ng anak at iginiit na may tampo la­mang umano ang bata laban sa kaniya. (Joy Cantos)

Show comments