Magkaibigang tinedyer nalunod

LEGAZPI CITY — Napaaga ang karit ni kamatayan sa magkaibigang lalaki makaraang malunod habang luma­langoy sa karagatang sakop ng Barangay White Deer at Barangay Calsada sa bayan ng Jovellar, Albay kamakalawa ng umaga. Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay ang mga bik­timang si Arjay Villarina, 14 at Julas Pandello, 12, kapwa resi­dente ng Barangay Rizal ng nabanggit na bayan. Ed Casulla

Show comments