Staff ng kongresista itinumba

NUEVA ECIJA – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 52-anyos na dating pangulo ng ABC at ngayon ay staff ng kongresista sa harapan ng barangay hall sa Barangay Poblacion sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi.

Apat na bala ang tumapos sa buhay ni Ro­dolfo “Luding” Lopez ng Batangay Pulo at ngayon ay nagsisilbing infrastructure staff ni Nueva Ecija 4th District Rep. Rodolfo “Rody” Antonino.

Sa ulat ng pulisya na isinumtie kay P/Senior Supt. Napoleon C. Taas, lumilitaw na nilapitan at niratrat ng nag-iisang lalaki ang biktimang kalalabas pa lamang ng simbahan ka­sama ang kanyang pamilya bandang alas-7:40 ng gabi.

Sinisilip ng mga imbes­tigador kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang pamamas­lang. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments