^

Probinsiya

4 dedo sa steel truss

-

Trahedya ang sumalu­bong sa apat na mangga­gawa na kaagad na kinarit ni kamatayan habang anim na iba pa ang nasu­ga­tan makaraang ma­bag­sa­kan ng steel truss na ka­nilang itinatayo sa West Cebu Industrial Park sa Barangay Buanoy, Balam­ban, Cebu kamakalawa.

Kabilang sa mga bik­timang idineklarang patay sa Balamban District Hospital ay sina Arthur Su­bing-Subing, 30; Rivera Se­ludono Jr., 46; Israel Tor­selias, 39; at Dindin Ro­meo.

Lima sa anim na nasu­gatan ay sina Francisco Imedio, 26; Narciso Ruiz, 32; Gerome Tuline, 25; Danilo Capangpangan, 42 at si Ruel Arcillias, na pawang mga trabahador ng Metaphil, na guma­gawa ng hull-fabrication sa gusali ng Tsuneishi Heavy Industries (Cebu) Inc., isang kompanya ng shipbuilding sa Balamban.

Ayon kay PO2 Ceasar Climaco, ang mga nasa­wing biktima ay nasa iba­baw ng 30 metrong taas ng steel truss nang bumi­gay at tuluyang bumag­sak.

Sa pahayag ni Leo Sa­lubre, environment manager ng Tsuneishi “maki­ki­pagtulungan naman kami sa Metaphil para mabig­yan ng tulong ang mga na­sawi at sugatang biktima.”

Patuloy naman ang im­bestigasyon upang maba­tid kung sumunod ang kum­panya sa ipinaiiral na safety requirements. (Danilo Garcia at Garry Lao)

vuukle comment

ARTHUR SU

BALAMBAN

BARANGAY BUANOY

CEASAR CLIMACO

CEBU

DANILO CAPANGPANGAN

DANILO GARCIA

DINDIN RO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with