^

Probinsiya

Stude nabinat, patay

- Joy Cantos -

Isang estudyante sa high school ang namatay nang mabinat sa parusang ipinataw sa kanya ng isa niyang guro sa General Santos City, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktima ay kini­la­lang si Jovan Pasaol, se­cond year sa Lagao National High School sa lung­sod habang ang ini­rerek­lamo namang guro ay na­kilalang si Leonardo Awa­yan.

Batay sa ulat, matapos parusahan ng ‘corporal punishment’ ni Awayan si Pasaol ay bigla itong nang­hina, kinapos ng hi­ninga at nawalan ng malay tao.

Hinihinalang, dahil sa pagkabigo ni Pasaol na makapagsumite ng assignment, pinag-“jogging” siya ni Awayan hanggang sa mabinat ito.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan si Pasaol pero nabigo ang mga duk­tor na maisalba ang kan­yang buhay.

Ayon sa mga magulang ni Pasaol, kalalabas la­mang ng kanilang anak mula sa isang pagamutan dahil sa sakit nitong typhoid sepsis at pinaalalahanan ng mga doktor na hindi ito maaring mapuyat o ma-stress dahilan makasa­sama sa kaniyang kalu­sugan.

Iginiit pa ng magulang nito na idedemanda nila ang guro dahil maling pa­rusa ang ginawa nito sa ka­nilang anak na naging mitsa ng kama­tayan ng binatilyo.

Kabilang umano sa ‘corporal punishment’ na ipi­napataw ng nasabing guro sa kaniyang mga estud­yanteng hindi naka­katugon sa kanilang mga proyekto ay ang pagpapa-jumping nang ilang oras, pagjo-jogging ng ilang ikot sa palibot ng paaralan at iba pa.

Pinaniniwalaan namang hindi nakayanan ng nasa­bing estudyante ang natu­rang parusa kaya nabinat ito na siya niyang ikina­matay. Patuloy ang imbes­tigasyon sa kasong ito.

AWAYAN

JOVAN PASAOL

LAGAO NATIONAL HIGH SCHOOL

LEONARDO AWA

PASAOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with