Dalawampu’t tatlong ba kasyunista ang naospital makaraang kumain ng kontaminadong lechon na inihanda sa isang pagtitipon sa Bantayan Island, Cebu noong Linggo ng gabi, ayon sa ulat kahapon.
Kabilang sa mga biktimang isinugod sa Bantayan District Hospital ay sina Lucia Pasilan, 63; Flora Mae Pasilan, 19; Aldrin Pasilan, 10; Mirasol Ilustrisimo, 24; Marvin Ilustrisimo, 23; Chin-Chin Placencia, 15; Bombe Beltran, 64; at si Dina Buna, 68.
Sa naantalang ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nag-outing ang mga biktima sa Tinong’s Beach Resort sa Barangay Talisay sa bayan ng Sta. Fe noong Biyernes Santo.
Nabatid na noong Sabado de Gloria ay kinain pa ng mga biktima ang kanilang natirang baong lechon at alimasag subalit kinabukasan ng Linggo ay nakaramdaman sila ng pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng tiyan, ulo at pagtatae.
Bunga nito ay isinugod ang mga biktima sa Bantayan District Hospital hanggang nitong Lunes ng madaling-araw ay nasa ligtas na kondisyon naman ang walo
Pinaniniwalaan namang pinakuluan lamang ang napanis na ang natirang pagkaing lechon at alimasag ng mga biktima kaya nalason ang mga ito. ( Joy Cantos )